wah! astig ang fair this year! hehe. kaenjoy-enjoy siya. ang galing galing! go go go…
thursday ng hapon, preparation ng booth. hmmm. grabeh, katapat namin ang jailers. haha. pero in some way, it’s a good thing. kasi hindi kami masyadong mapapansin since nasa likod kami. haha. hmmm. tali dito tali dun. ayos ng boxes. ayos ng WAR AREA. booth kasi namin yung water balloon and war games. haha. akala namin ni charm na truth at electron lang yung WAR AREA. pero yun pala, pati sa gluon at graviton. oh well. haha. so tumulong na rin sila… ahehe
friday. nung umaga, gawa muna kami ng mga water balloons. tapos tinawag kaming mga alpha for special assignments and stuff. so ayun, buhat dito, buhat dun. bilang dito, bilang dun. roll dito, roll dun. haha. then nung pumunta ako sa booth namin, medyo patay pa. so nagopening muna ng fair. ang galing galing nung mga MILITARY PEOPLE NA NAGTRU-TRUMPET! wah! astig sila! idol! hehe. tapos, may pumuntang bata dun sa booth namin, nagtatanong kung magkano raw ang isang water balloon. then bumalik siya tapos bumili. then eventually, bumenta rin. haha. nung unang day, naka-600 o 800 pesos na revenue kami. hehe. then maya maya, nagpa-grad pic na ko. haha. ang galing ng Zone 5, lalo na yung photgrapher. hehe. ang galing. after naman nun, dedication booth naman. request ngs ong at announcements here and then. haha. sa totooo lang, malaki yung kita nung dedication booth. lagi na lang may nagpaparequest ng song o kay nagpapannounce o kaya naman nagpropromote ng kani-kanilang booth. hehe. ang galing. then sumunod yung project runway. ang gagaling ng mga models at mga damit. ang galing galing!!! kaya lang, nagtaka ko kung bakit siya yung nanalo na best male model… ?!? oh well. sumunod naman yung Appassionato – Battle of the Bands. hmmm. no comment na lang sa part na to. deserve ng THE NERVE na manalo. hehe… go alba!!! xp…
mag aalas-dose na nung matapos yung concert. balik ng dorm then tulog. nagising na ko ng mga 8:30. haha. late na sa shift. 9:00 na ata ako nakarating ng booth at nagbantay. then ayun, kumikita ng kumikita. then may class pic. haha. ang galing nung last na kuha. sayang lang at wala yung mga iba. haaaay… then ayun, balik uli sa pagbabantay ng booth. aba, marami rami na rin yung mga pumupuntang tao. kaya lang nauubausan agad ng mga balloons kaya ngapabili uli kami ng mas marami at mas malalaki. kaya eventually, mula 5 pesos per water balloon ay naging 10 to 15 to 20!!! haha. oh well. then ayun. after some time, nung wala ng mga naglalaro, kami kami na rin yung naglaro at nagbasaan. haha. ang galing…
then pinahanay yung mga COCC’s, TCOCCO, ALPHA, at MP sa may wall climbing since required kami. buti na lang nagwall climbing na ko. at least, nakapanood pa ko ng elimidate. hehe. after nun, sinabi ni rob na babasain daw namin yung mga tao sa closing ceremonies. surprise lang raw yun. kaya lang, wala ng water balloon. kaya ayun, imbis na balloons ay naging mga transparent na plastic na pinaglalagyan ng yelo. haha. ang galing galing. gumagana. kaya lang, masakit pag hinid pumutok. aray ko. hehe. then ayun, nanalo ng grand draw na 15000 pesos ay si Joanne Mendoza, IV-Gluon, ang aking best friend (yak sipsip).
sumunod na dun yung sonoluminscence (tama ba spelling?!?) ang gagaling nung mga nagperform – PEDICAB, PARAMITA, GINILING FESTIVAL, JUAN PABLO DREAM, BROWNMAN REVIVAL, DATU’S TRIBE, URBANDUB, UP DHARMA DOWN, RADIOACTIVE SAGO PROJECT, etc. pero syempre, the best pa rin ang vocalist/drummer ng paramita, si Ria. haha. may autograph ako. wala lang. go go go!!!
12:02 na natapos yung concert. hehe. tapos agawan pa yung mga platoons sa mga nakakalat na bot at aluminum cans para sa CAT-POINT DRIVE. hehe. saya…
all in all, masaya yung fair. good job 07. ang ganda talaga ng fair na to! yeah!!!
p.s. there’s something weird about sa bassist ng urbandub…
Recent Comments