Cesium07 class reunion

18 11 2006

wahahahaha. at last, nakabalik na rin ako sa bahay… xp

haha. hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit kami nag class reunion. unang una, wala namang occasion. pangalawa, hindi kami complete attendance. sino sino nga ba pumunta? arceo, capacio, catalan, david, doroja, guarte, lucas, magtibay, orijuela, pascua, sagayaga, tamura, tiglao, clavo, kerr, gonzalo, maputol, maramo, miravite, sese, siongco. ilan ba yan? 21? 21 out of 28 lang ang pumunta…. haaaay… haha. fishing…

ang dami rin nangyari kung tutuusin…
1. nagpicture-taking sa may flagpole area (kung saan nakalutang si rustico sa ere)
2. naghintay sa napakaimportanteng bag ni Ryan na dumating
3. nagpedicab papuntag MRT (including si rich boy Cy!!!)
4. pumila ng napakahaba at nagingay sa pila sa may MRT
5. gumawa ng circle sa pinakalikod ng MRT at nagdaldalan mula Quezon Ave papuntang Ayala
6. naghanap ng nawawalang cellphone ni Anj at ni Cheska
7. nagikot ng Glorietta at hinanap si Edgar/Ed a.k.a. Sir Tafaleng
8. kumain na naman sa walang kasawa-sawang Tokyo-Tokyo at nakipagkwentuhan kay Sir Tafaleng tungkol sa kanyang mahiwagang gradpic pati na rin ang future career ni Lucas – ang pagpapari… ahehehehehe. weh…
9. naging “road-block” at nag standing ovation sa mga daanan sa Glorietta ng ilang beses dahil… wala lang.
10. pumunta sa labas ng sinehan upang makipagdaldalan at magdecide kung ano ang gagawin for about 20 to 40 mins.
11. naglakad/tumakbo/tumawid mula Glorietta papuntang Greenbelt para habulin yung showing ng “the prestige” (8:00 kami umlais ng Glorietta, 8:20 magstastart yung movie sa Greenbelt. nice…)
12. 8:22 nakarating. nagdecide kun itutuloy pa ang panonood namin ng prestige…
13. after 8 minutes of talking, nakapgdecide kami na ituloy namin ang panonood ng the prestige kahit na late kami by about 10 min…
14. takbo mula ticket booth sa first floor papuntang sinehan sa 2nd floor.
15. hinanap kun saan dapat kami nakaupo… more than a row yung nakuha namin..
16. nanonood… wow! brutal! amazing yung plot! ang galing!!! (nagring nga pala ng malakas yun cellphone ni Eduard habang nanonood. sumigaw/tumili si Ryan ng malakas nung bandang huli na akala namin ay si Che)
17. lumabas ng sinehan at na-starstruck kay CHRISTIAN BAUTISTA at kay RACHELLE ANN GO!!! woah!!!
18. nagstay sa labas upang debatehan kung ano ba talaga yung nangyari dun sa story
19. bumaba at nakita namin si pascua, arceo, anapat at si TIGLAO!!!
20. naghanap kung saan pwedeng magpicture-taking
21. dun kami sa may fountain, and yes, kasama namin si Ed sa picture
22. naglakad for about 20 to 30 mintues mula Greenbelt papuntang bahay ni Cy (ang daming OBSTACLES!!! hahahahahahaha. maingay pa rin hanggang sa paglalakad)
23. nagtour sa bahay ni Cy
24. in-on ang TV at nanood ng House of Wax sa HBO…
25. kumain… (12:00 midnight sakto)
26. naglaro ng sari-saring board games gaya ng PICTIONARY, MONOPOLY, MILLIONAIRE’S GAME, CARDS, at nag-JAMMING…
27. nakatulog ng bandang 3:00
28. umalis yung iba ng mga 5 o 6 upang magDOTA…
29. breakfast ng 9 AM
30. nanoood ng america’s next top model…
31. lumayas sa bahay ni Cy na pagkaganda-ganda at pagkalaki-laki
32. nag-stopover sa tiangge at sa Wendy’s (take note: 11:30 na. at nagamamadali si Cheska na makarating sa Pisay ng 11:00 kasi andun raw ang kanyang ama. go. tama yan…)
33. MRT… babay…

most memorable moment: habang nasa flagpole-area kami, may nakita kaming teacher na may hawak-hawak na bata. sino yun? si ma’am regaya ba yun at yung anak niya. so syempre, lahat kami excited. sigaw kami, pero hindi par tumitingin. 1. 2. 3. sigaw! MA’AM REGAYA!!! lakas nung sigaw. lahat ng mga tao sa front lobby tumingin sa min, pati yung teacher. guess what. hindi siya si ma’am regaya! nice. si ma’am Sarmago pala, hawak ang kanyang anak…

hahahahaha. ang saya talaga. sobra. as in super! go go go! ang galing talaga ng Cesium. haha! grabeh. sobrang nag-enjoy ako.. haha.

sana maulit muli. may christmas swimming party pa tayo! yeah! go go go! hahaha. organize uli tayo. dapat greater than or equla yung mga pupunta ha! tapos magdala ng mga DVD at mga console. haha… yeah!

CESIUM 07…





mga nakakaaliw na pangyayari…

11 11 2006

wah! hindi ako nakinig sa physics nung friday! haha. wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ni ma’am regaya. kasi naman eh, malaking istorbo yung 3-years old niyang anak na sobrang cute at sobrang makulit.

biruin mo naman, bigla bigla na lang siyang pumasok sa classroom at kumuha ng chalk. nakakaaliw yung pagkuha niyia ng chalk. kinuha niya muna yung chalk basket sa table. then nagtago siya sa ilalaim nugn table. binalik niya yung chalk basket na magulo na. haha. tapos may hawak hawak na siyang white na chalk. habang nagsusulat at nagdidiscuss si ma’am regaya, nagsusulat rin siya nang mga scribbles sa board. hawak hawak niya yung eraser at buburahin niya yung sinusulat niya. then magsusulat siya ulit. then buburahin. sulat. bura. sulat. bura. nakailang ganun siya. at kung saan pumupunta si ma’am regaya, dun rin siya pumupunta at nagsusulat. minsan pa nga eh binubura pa niya yung mga sulat ni ma’am regaya sa board. haha. f na f na teacher siya. may future career na tong batang to sa pagtuturo ng physics… pati libro kinuha niya. yes. yung higanteng hardbound na libro, binabasa niya. inagaw pa nga niya kay annie at kay vicente eh. haha. ang galing galing…

pero hindi lang teaching ang pwede niyang maging career. pati modeling pwede na rin niyang pasukan. tuwing may tinatapat na cellphone o kaya camera sa kanya para kunan siya ng picture ay magpopose talaga siya. hahaha. ang galing galing…

wah! hahahahahaha. sana dumating siya ulit sa monday. nakakatuwa kasi eh. buong klase ta hindi nakikinig kasi pinagmamasdan siya. hahahahaha. pati si kim at si annie, binubully siya. hahaha. tsk tsk tsk. bad… xp

__________________________________________
congrats alpha company! at last, after ng mga sangkatutak na drills, mga sangkatutak na punsihments sa ating mga platoon leaders, mga squat thrusts, mga push-ups, mga pumpings, mga duck-walk, ang ating frolics na entertaining raw kay mr. platoon commander, at kung ano ano pang mga kaeklatan na pinagawa sa tin, nakuha na natin ang ating mga asawa – ang ating mga RIFLES!
yeah! congrats alpha! tuloy tuloy na natin to! mag-ipon lang ng mag-ipon! makiagaw sa mga tao para sa mga bote! kaya natin to! yeah c’mon!
meron na ba kayong naisip na pangalan para sa asawa niyo?!? xp
____________________________________
nakakaaliw talaga yung mga nangyayari sa mga tao ngayon, lalo na yung mga may BF, which stands for BestFriend o kaya ka-BigFish. haha. labo no…
“we are like strangers who knew each other very well”
haha. hay naku. it’s sad to see those people whom you never thought would separate see them doing or moving on with their own lives (yak ang bano mag-english). pero nakakalungkot talaga. so far, i know 8 pairs (included na kami diyan). ayokong imention kasi wala naman talaga akong karapatan na sabihin sa mundo. pero feeling ko obvious naman kung sinu-sino sila. promise. if you just be a little more observant, makikita mo rin kung sinu sino sila…
ang medyo nakakaaliw na nangyayari is kung sino sino yung mga may ka-BigFish o kaya naman ay may BestFriend sa mundo na in some way, have undergone the same situation, sila sila rin yung nagsasama. ang galing no. nakakaaliw…
para bang nagkaroon ng re-shuffle ng mga BestFriends. nakakaaliw. parang nag rock-paper-scissors yung mga magkakapair. tapos kung sino yung mga talo, sa isang side. at kung sino yung mga panalo, sila naman yung nasa kabila. ang galing talaga eh. amazing…
____________________________________
hmmmmm… ano pa ba?!? malapit na ang paskorus elims! malapit na rin and Cesium Overnight. yeah! go go go! wahahahahahahahaha!!!
xp




mga simpleng bagay

11 11 2006

hmmmm. a lot of things happened lately, and i don’t think i’m going to like this situation i put myself in. somehow, i have regrets. somehow, i feel that every move i made so damn stupid. somehow, i feel that i should do something…

wahahahaha. anyhow, marami na ring nangyari this week. marami akong mga “nakaaway” in some sort of weird way. hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganito. kung tutuusin, sila rin naman ang may kasalanan eh. hindi marunong rumespeto. ikaw pa yung sasabihan nila ng “makapal na mukha”. oras na hindi mo sila bigyan ng something, ikaw pa yung sasabihan nila ng masama. oras na hindi masunod yung gusto nila, ikaw pa yung sasabihan na “maramot” o kaya “suplado”. pag sinabihan mo naman sila, sila pa ang may karapatang magalit… what the?!?

mga simpleng instructions gaya ng “no roomhopping muna” hindi masunod-sunod. ano ba naman yun? hindi sa nagdadamot or whatsoever pero kailangan rin kasi naming mag-aral hindi ba? and besides kwarto namin yun. hindi naman pwedeng parati na lang daldal ng daldal diba? ok sana kung walang homework. ok sana kung hindi nakakaistorbo. pero hindi eh…

pati na lang sa paghihiram ng mga bagay bagay. ni hindi ka pa nga nagpapaalam kukunin mo kaagad at tatanungin kung kanino yun. tapos pag sinabi kong akin at hindi mo pwedeng galawin magagalit ka? eh hello, kanino ba yun? hindi sa nagdadamot ako or what pero kailangan kasing ingatan yung mga ganun na bagay eh. ok sana kung hindi ganun ka-importante. kaya lang hindi eh…

mga simpleng bagay. mga simpleng rason. mga simpleng panuto. mga simpleng batas na kailangan sundin. bakit hindi magawa?

pero aaminin ko, may kasalanan rin ako. hindi ko pwedeng sabihin na sila lang ang may kasalanan. wala namang perpekto hindi ba? medyo nagiging moody na rin ako for the past few days. hindi ko alam kung bakit. pero parang nagkakaroon ng dejavu. parang bumabalik na naman yung aking so-called “alter-ego”. mukhang may mangyayaring masama na hindi inaasahan ng iba. ayoko na sanang mangyari pa ulit yun. please lang… wah!!! pero dun sa mga “inaway” ko for the past few weeks, SORRY kung naging moody ako lately. hindi nyo kasalanan kung bakit ago nagiging moody. ahehehe. SORRY TALAGA. you know who you are…

hay naku. ang hirap talaga ng buhay noh? haaaay. ayoko na nga. gusto ko tuloy bumalik sa nakaraan – kung kailan wala pa akong mga pinoproblema kung hindi mga requirements at ang late na car pool. kung kailan yung pinoproblema ko ay kung dadaan muna kami ni eduard sa caf bago mag chem o kaya iiwan muna namin yung bag namin, then tsaka bumili sa caf. haaay. kung saan ang pinoproblema ko na lang ay kung saan ako matutulog, sa 323 o sa 322. kung saan ang pinoproblema ko na lang ay kung aatend ba ko ng swimmming practice o hindi…

haaaaay…

oh well. ganyan talaga ang buhay. nakakabaliw. nakakaaliw…





wala kaming requirements!

5 11 2006

yeah! wala kaming homework! hooray! free time!…

yes. at last, nagkaroon rin kami ng pahinga. wala gaanong requirements. yeah! ang galing galing… woohoo! buong araw na kong naglalaro ng Civ4! hehehehehe. yeah! c’mon! sana ganito lagi. sana parati na lang walang requirements para masaya. haaay. kailan kaya yun mangyayari… hmmmm… xp

yak. bangag. anyhow, just maximizing my time. hindi na kasi ako masyadong nakakapgblog for the past few months. kaya ayan tuloy, post lang ng post. haha…

pero ewan. feeling ko may requirement kami na hindi ko lang talaga lubusang matandaan. ang sabi kasi ni JC wala rin, except yung physics problem set na due pa sa tuesday. hmmmm.

kayo ba?!? alam nyo homework namin?!? xp





welcome to the black parade…

4 11 2006

haha. habang nanonood ako ng myx kanina, napanood ko yung MTV ng song na to for the fourth time. and yes, lately ko lang siya naappreciate and all that. kung tutuusin, maganda yung kanta. ok lang yung MTV. nung una ko kasing napanood, mga 5:45 AM sa dorm, habang hinihintay na buksan ng dorm staff yung pintuan. medyo nalabuan ako ung una kasi bagong rinig ko lang at bagong panood. pero nung nabasa ko yung lyrics, maganda pala siya. may sense. may meaning. at may pinapatamaan… hehe. sa sobrang ganda nung kanta eh pinaltan ko yung skin ko para sa kanila… haha. kalabuan…

hmmm…

the song is great, and it really doesn’t surprise me that the band “my chemical romance” was the one who sang this song. after all, their songs are pretty good and drives you nuts every now and then.

When I was a young boy
my father took me into the city
to see a marching band
He said ‘Son when you grow up,
would you be, the saviour of the broken,
the beaten and the damned?’
He said ‘Will you, defeat them,
your demons, and all the non-believers,
the plans that they have made?
Because one day I’ll leave you
a phantom to lead you in the summer
to join the Black Parade.