mga panaginip

13 12 2006

oh well. hindi ako natuloy sa pisay. ahehehe. asus, hanggang dec. 18 pa naman yung singapore scholarship application thing eh. ahehehehe. tapos hanggang dec. 15 pa naman bukas ang Pisay. hahaha. grabeh. ang tamad ko talaga…

anyways, gusto ko lang ikwento yung mga panaginip ko for the past two nights…

dream # 1:dec. 11 ng gabi…

nasa isang carnival ako. kasama ko si lou. hindi ko alam kung paano siya napunta sa panaginip ko. haha.

tapos may isang ride dun sa carnival, ma-ala ferris wheel ang dating. ang pinagkaiba nga lang, walang mga upuan dun sa malaking gulong. instead, may loop of rope na hahawakan mo dapat, para bang yung mga puting hawakan sa railings ng MRT. yes. malaki yung ferris wheel, and imagine, ang hahawakan mo lang ay dalawang loop ng manipis na tali. woah! anyways, sumakay kami. well, hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano nakayanan ng katawan ko yung paghawak dun sa tali nung ferris wheel. nakasakay din dun si Nave at si Janel Favila (huh? bakit sila? konek?).

nagstart yung ride… nung una, mabagal pa kang. pero nung tumagal, bumilis nang bumilis… WEEEEEEEEEEEH!!! ikot ikot ikot ikot ikot ikot ikot. sa tingin nyo, paano kaya nakayanan nung katawan ko yung gaanong support?!? hmmm…

anyways. natapos yung ride. nung bumaba kami, nahilo kaming dalwa ni lou. sabi niya, kailangan na daw niyang umalis. hindi na ako nakapagpaalam kasi sobrang nahilo talaga ako. WEEEEEEEEEEEH!!! sa sobrang hilo ko eh napahiga ako sa field at nakatingin sa mga tala (yes. gabi ang oras, sa PSHS field ang setting. biruin mo, may carnival sa field! may rides pa!). then may lumapit sa kin, si best friend. dapat iiawasan ko, kaya lang, hindi na nakayanan ng katawan at ulo ko since sobrang nahilo nga ako. tapos andun siya, nakaupo sa gilid ko. hindi siya nakaimik nung una. pero after some time, nagsalita siya…

“sorry…”

mas lalo akong nahilo. then nagpaliwanag siya, though hindi ko maintindihan yung pinagsasabi niya kasi tumodo yung pagkahilo ko at umiikot na ang mga puno (huh?) wah! ikot ikot ikot ikot. pero patuloy pa rin siyang nagpapaliwanag.

3

2

1

boom!!!

gising na ko… ahehehehe. dec. 12 na nang umaga… kabitin. ahehehehe. oh well…

dream # 2: dec. 12 ng gabi

nasa mcdo katipunan ako. kumakain ng breakfast. kasama ko si andrew, si jayvee, at si revee. nasa isang table lang kami. as usual, tatlong large fries, dalawang 2 pc. pancake, isang hot choco, at isang large na sarsi (eto kasi yung kinain ko nung breakfast dun sa overnight ng dahlia. ahehehehe). then sa kabilang table si best friend, si romar, si kevin guillermo, at si warner. iniwan ako nung tatlo. iniwan rin si best friend nung tatlo. pumunta siya sa table. nagsorry (na naman) siya. tinanggap ko naman at kwinento ko yung isang panaginip. natawa kaming dalwa…

bchbsbbgnwniynnemkmvmompocgjoqxjsjbintinveidniwncginini

nagbell na! wah! punta sa next class. CAT. meron na namang frolics. kaya lang this time, by section! ahehehehe. so ayun, naghiwahiwalay na yung mga section. practice kaming truth. 20 min lang yung binigay na practice time. so ayun, practice practice practice.

tinawag na nung mga officers yung 07. punta lahat sa tapat nung grandstand. nagbunutan. una kami. umupo yung ibang sections sa may grandstand. nagpresent kami. pinalakpakan! woo! tapos nagbell na, so hindi na nagpresent yung ibang sections, kami lang… KADAYAAN!

so ayun, since wala naman akong magawa, andun ako sa may grandstand, kausap yung isang teacher (hindi ko maalala kung sino) blah blah blah blah. then galing gym, pumunta yung mga CAT officers sa may grandstand in order. aba naman, naka fatigues at may TOTOONG rifles! may sumisigaw na wa-wa-wa-nan-wa-nan-wa… tapos sa likod nila ay si best friend (siya na naman!) pumunta siya sa grandstand at kinausap yung teacher na kinakausap ko (nang-agaw pa ng kausap!) so tumabi muna ako. then iniisip ko kung panaginip nga ba yung nasa mcdo o totoo. so tinest ko. kinausap ko siya, at kwinento yung dalwang so-called “panaginip”. natawa siya. yung isa (carnival thing) yun raw yung panaginip pero totoong nangyrai yung nasa mcdo…

..

.

GISING NA LUIGI!
tutuloy ka pa ba si Pisay o gusto mo ako na lang ang kumuha sa friday

yan yung linya na sinabi sa kin ng nanay ko…

nagising ako. nung imulat ko yung mga mata ko, hindi ko alam kung totoo yung mga nangyari o hindi. pumasok nga sa isip ko na baka nanaginip pa rin ako…

moral of the story:
wag matutulog ng may earphones sa tenga. brings you very weird dreams!