christmas wish list

22 12 2006

andami ng taong nagsipag-gawaan na kani-kanilang mga christmas wish list. ako? ngayon pa lang. haha. kung kailan malapit na mapasko. ahehehe. ang galing galing ko talaga. pati christmas wish list, kina-CRAM! yeah! go me…

oh well…

mga selfish wishes:
1) isang napakagandang laptop na may napakalikng memory. haha. para dun ko malagay yung mga files and music and other stuff. para naman may magamit pa kong computer kahit wala ako sa bahay. dapat nga pala may WiFi! para masaya!
2) isang iPod. doesn’t matter kung nano or shuffle or whatsoever. actually, kahit mp3 player lang na at least 2 GB. haha. para naman may malagay na kong earphones sa tenga ko. haha. at para na rin pag nagtratravel ng malayo. para hindi mabore. haha.
3) chocolates. haha. kisses. hersheys. cadburry. snickers. chocnut. chocomani. kahit ano! basta chocolate. haha! x_X
4) PS3. haha. meron na ba nun sa Pilipinas? oh well
5) Dynasty Warriors 5! haha. alam to ni JC! maganda tong laro, lalo na if you’re into war games and chinese history. centers on the theme “the romance of the three kingdoms”. haha. waaah!

mga unselfish wishes:
1) makaraos yung mga taong nasalanta nung mga dumaang bagyo. kahit papaano, marami-rami ring mga malalakas na bagyo ang dumaan dito sa Pilipinas ngayong taon na ito. marami rin natamaan (gaya ng puno namin dyan sa labas)…
2) magkaroon ng decenteng buhay yung mga street children, lalo na yung mga three years old lang or younger. wala lang. tuwing nakakakita ako ng mga batang katulad nila, naaawa ako and i feel so very lucky. sana maging masaya rin sila katulad ko. haha… oh well
3) hindi na maging corrupt ang mga government officials. kung sa bagay, meron naman talagang mga hindi. pero dun sa mga talagang corrupt, sana magbago na sila.
4) maging mayaman and bawat Pilipino!
5) world PEACE!
6) sana, ngayong Pasko, lahat ng tao, icenter yung attention nila kay JC! (hindi si JC Edualino, kung hindi si JESUS CHRIST!) ahehe. since birthday naman niya, dapat all eyes on him. para masaya diba?!?

siguro yan lang muna yung mawiwish ko at this moment in time…

haha. advance merry CHRISTmas sa inyong lahat! x_X