haha. salamat kay KRISHA, nagising ako bago mag8. haha. x_X…
hindi. ok lang yun kahit magising ako ng ganun kaaga. dapat nga magigising ako ng sobrang aga ngayong araw na to kasi dapat, pupunta akong maynila para tignan yung bahay dun sa may UP Village. hehe. kaya lang, sabi ng tatay ko, huwag ko na lang daw muna puntahan. hayaan kong siya da wmuna tumingin, tapos sabay sabay na lang namin tignan sa monday. haha. ang labo no?!?
salamat kay Krisha dahil…
1. sinalubong ako ng phone ko ng kanyang text
2. nalaman ko na may results na pala ng preenlistment
3. siya ang pumilit sa kin na lumipat ng block…
MARAMING SALAMAT KERR! haha…
para sa kapakanan ni Vinna at sa mga taong hindi nakakaalam ng mga G3, G4, G15, G-etc, yang mga yan ay ang mga pangalan ng mga “blocks”. hehe. block = section. not really equal pero equivalent. haha. i some werid way ganun yun. haha. sa mga engg, G. sa bio M. haha. yun lang alam ko. hehe. x_X.
nga pala, natanggap ako sa G3. bale G3A na ako. pero hindi ko talaga maimagine kung paano ako natanggap. mas naunang nagpreenlist sa akin si Krisha sa G3. pero bakit ako yung natanggap? bakit hindi siya?!? wala lang ang weird. sayang naman yung mga effort ng ibang tao na naghintay ng 12 AM APRIL 19 kung hindi rin naman pala sila sure na makukuha nila yung slot na yun diba?!? wala lang. ang akala ko kasi, paunahan yung preenlistment. ngunit… hindi pala…
alam niyo ba kung anong mircale ang ginawa nila sa pagpili ng mga blocks ng mga tao?!?
hindi ko alam eh… kaya nga ako nagtatanong diba…
x_X
tama si Vinna, at long last, magkakahiwalay na rin ang 07.
yak ang drama…
oo. masakit pero totoo. ganyan talaga ang buhay. in some point of our lives, kailangan nating ilet go ang ibang mga bagay, minsan lahat pa nga eh, na pinahahalagaan natin. gaya nga ng sabi dun sa isang movie
you can’t have someone forever. you got to love him while you got him…
haha. galing yan sa isang movie tungkol sa isang batang babae na nagngangalang Opal. tatay niya ay preacher, at meron siyang pet na aso na nagngangalang Winn-Dixie. hindi ako sure sa title kasi kahit 2 beses ko na siyang napanood, never kong nasimulan to the point na title part na. x_X
haha. oh well…
bukas na ang DOST signing. sana hindi matagal…
Recent Comments