season 2 na ata

28 05 2007

Ever since nakuha ko yung F.R.I.E.N.D.S. na DVD mula sa tita ko, bibihira na lang ako manood ng mismong TV na lang. Haha. Kung tutuusin, kalahati ng oras ko sa panonood, nadedicate sa panonood ng F.R.I.E.N.D.S., at yung kalahati, sa kung ano ano ng mga palabas na may sense sa mundo.

Napanood ko yung On The Lot nung Sunday ng gabi. Haha. Ang haba. Interseting gaya nga ng sabi ni Cheska. Gusto kong subaybayan. Haha.

Season 2 na! Mukhang malabo kong matapos yung DVD bago mag pasukan, knowin its a week or a week and half before school officially starts. Nice. Oh well, may DVD player naman sa condo kaya ok lang. Yeahba! Haha…

Tanong para sa 07:
Kung hindi kayo Pisay, anong course ang pipiliin niyo? At anong gusto niyo maging if ever? Wala lang, trip ko lang tanungin…





mga survey sa mundo

25 05 2007

Ayan. Para kay Loujane, Ben, Cheska, at kay Mau, sasagutan ko na yung mga survey na pinapasagutan niyo noon pa. Haha. Nakakatamad kasi eh…

x_X

THE RULES

Each player of this game starts with 6 weird things about you. People who get tagged need to write a blog of their own 6 weird things as well as state the rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don’t forget to leave a comment that says you are tagged in their comments and tell them to read your blog.

SIX WEIRD THINGS ABOUT ME
1. Kaya kong umubos ng Limang Spaghetti ng Jollibee at ng Limang Large Fries sa Mcdo. Pero nung first year ko lang to ginagawa. Hehe. Ngayon, it ranges from 3 to 4 na lang. Haha. Gaya nga ng sabi ni Kerr, maaga akong mamamatay… Haha

2. Nung bata ako,umiiyak ako pag hindi natatalo ng Power Rangers yung kalaban sa isang episode, lalo na pag lumalabas yung “to be continued” sa lower left corner ng screen ng aming TV. Haha.

3. Ummm. Bata pa ako nung akong pumasok. 2 1/2 ako pumasok ng preschool. 5 ako nag Grade 1. 11 ako nag HS. At 15 ako magcocollege. Good Luck naman!

4. Pag natulog ako ng maaga, late ako magigising. Pag matutulog naman ako ng late, late pa rin ako gigising. Haha. (walang kwenta!)

5. Mas madali akong magalit sa mga taong ka-close ko kesa sa mga taong first time ko pa lang nakilala. Haha.

6. Hindi ako kumakain ng Ketchup

x_X

Take this quiz and find out how girly you are. (GUYS TOO) Put x’s beside each thing that’s true. Each x that you put is one percent. Have fun!!

[ ] My fingernails/toenails are almost always done.
[ ] During the summer the only shoes i wear are flip flops
[ ] My favorite toys as a child were barbies
[ ] My favorite colour is pink or purple
[ ] I did Gymnastics.
[ ] I love skirts.
[ ] Hollister is one of my favorite places to shop
[ ] Tight jeans are the only jeans i’ll wear.
[X] I love chocolate
[X] I’ve never had a real job.
TOTAL: 2

[ ] My hair is almost always straightened
[ ] I have at least 8 myspace pictures
[ ] I usually go shopping once a week
[X] I love to hang out at the mall with friends
[ ] I have a real diamond ring or diamond necklace or earings.
[ ] I’ve gone to a tanning salon.
[ ] I’ve gone to the beach to tan.
[ ] I have at least 10 pairs of shoes.
[ ] I watch either the OC or Laguna Beach.
[ ] I change my icon weekly.
[ ] I wear a shower cap.
TOTAL: 1

[X] I dont shop at Hot Topic.
[ ] My cell phone might as well become a part of me.
[ ] I wear mascara everyday.
[ ] I’ve been or am on a diet.
[ ] Bathing suits are adorable.
[ ] I dont know the difference between a sheep and a goat.
[ ] Big sunglasses are hott.
[ ] I have gotten my nails done before.
[ ] MTV is one of my favorite channels.
TOTAL: 1

[ ] All I want to do at sleepovers is talk about boys!
[ ] I love to have girls do my hair.
[ ] I give and recieve hugs from all my friends
[ ] I hate bugs.
[X] Carnivals are so fun!
[ ] Summer is THE best season.
[ ] My swimsuit has 2 pieces
[ ] I’m waiting for my knight in shining armor.
[ ] Musicians are so hot.
[ ] You write me a poem and tell me I’m beautiful and I’m all yours.
TOTAL: 1

[X] I am self-conscious.
[ ] I cry often.
[ ] My car smells like vanilla or cherry.
[ ] My dishes get washed more than once a week.
[ ] I dont do sports.
[ ] I HATE to run.
[ ] I squeal when I am surprised or angry.
[ ] I eat dried fruit as a snack.
[ ] I love romance novels.
[ ] Drew Barrymore is so cute.
TOTAL: 1

[X] I dance a lot.
[ ] I usually spend an hour or over to get ready to leave my house.
[ ] I only have like 5 billion hair products.
[ ] I love to get dressed up.
[ ] Every part of my outfit needs to match.
[ ] I talk on the phone at least once a day to my friends.
[ ] I would love to have a photo shoot.
[ ] I apply lip stuff 50 times a day.
[ ] I wish I were a model.
TOTAL: 1

[ ] I wish I could meet Paris Hilton.
[ ] I have been something that was semi.
[ ] I own Uggs.
[ ] Hip Hop is the best music.
[ ] I pop my collar.
[ ] I like to be the center of attention.
[ ] Guys with Mohawks are crazy.
[ ] Horses are beautiful.
[ ] I’d rather not pay attention in school.
[ ] Cats are adorable.
TOTAL: 0

[ ] I write my own music.
[X] I would love to visit Hawaii.
[ ] Valentine’s day is so cute!
[ ] White is better than black.
[ ] I wouldn’t be caught dead in all black.
[ ] My closet is STOCK FULL of clothes.
[ ] Hate the grunge look.
[ ] I love to read magazines.
TOTAL: 1

[ ] I love to gossip.
[ ] I had Lisa Frank folders/posters/notebooks as a kid.
[ ] I love Celine Dion.
[ ] My bubble baths are 1-2hrs long.
[ ] My wedding only needs a groom because it’s already planned.
[ ] My friends and I are in a strict group. We mostly only hang out with each other.
[ ] I like little kids.
[ ] Diet drinks are the best.
[ ] I’m all about being vegetarian.
[ ] I refuse to eat at McDonalds.
TOTAL: 0

[ ] I check my myspace everyday.
[X] I love life!
[ ] I have a lot of jewlery!
[ ] My screen name(s) have x’s in them.
[ ] Either one of my myspace names has/had “<3″s
[X] I would never want to be the opposite sex.
[ ] It’s not what he/she said it’s the way he/she said it.
[ ] I have more than 3 pillows on my bed.
TOTAL: 2

Kayo na magbilang. Nakakatamad… 10 ata eh. Ewanko. Haha.

x_X

Wala na akong itatag sa mga survey na yan kasi feeling ko natag na ang buong 07. Haha. Yung mga gustong gumawa nung survey (yung mga masisipag in otherwords), copy paste lang. Haha.





May 23rd – HAPPY BIRHTDAY CARLOS

23 05 2007

This day couldn’t have gone any better!

Tama ba grammar? Hehe. Birthday ng kapatid ko ngayon. Haha. Therefore, 11 years old na siya. Haha. Which reminds me, 11 years old ako nung pumasok ng Pisay. Haha. Ang bata pala. x_X.

Syempre, nagsimba kami ng six o’clock. Kaming apat, si Mom, si Dad, si Carlos, at ako. Hehe. This May, araw araw na kasi kami sumisimba, maliban na lang kung maaga an work ni Dad o maaga ang duty ni Mom. Hehe. Sumuond dun is obviously, Breakfast. Then swimming party ng 8. Malapit lang sa amin yung pool. Walking distance. Para bang BRHM at SHB lang yung distansya. Hindi ko siya masasabing “swimming party” kasi hindi naman talaga siya “party party”. Sagot lang ng parents yung pool tapos kaming magpipinsan at yung dalawang kaibigan ni Carlo pati yung tatay ko lang yung nagswimming. Therefore, a total of… 14? 12? mga ganun yung number. Haha. Habulan. Race. Basaan. ‘Daganan-natin-si-Kuya-Igi-game’ (ayoko nito), at kung ano ano pa. Haha. Masaya. Sobrang Saya. I-factor mo pa yung the fact na mas bata yung mga kasama mo. Haha. Ewanko ba…

Lunch/Heavy Merienda naman yung sumunod. Umorder si Mom ng apat na square pizza sa Greenwich at Nagluto siya ng Pansit. NAUBOS in less than 20 min. Hindi halatang gutom no? Ang galing! Haha.

Then Naglaro na. Usually, pagkatapos ng isang swimming event, lahat ng tao ay pagod, inaantok, at mainit ang ulo. Pero in this case, hyper na hyper ang lahat. Nakakuha sila kaagad ng supply ng adrenaline mula sa mga kinain nilang mga pizze at pansit. Naghabulan, Naglaro ng PS2, nagkwentuhan, at nanood ng SUKOB sa cinema one. Haha. 12 na tao sa isang kwarto na naka-aircon na nagsisigawan, naghaharutan, at naghahabulan. Kulang na lang siguro, nagpapatayan (pero syempre wag naman diba).

Merienda sumunod. Spaghetti naman. Haha. Tapos Balik ulit sa “laro mode”.

Umabot ng 5:15, at nagutom na ang mga tao (ang aga!) kaya nag early dinner na. Hehe. Sari saring mga pagkain ang nasa aming hapag-kainan. Hindi ko na maalala yung mga pangalan nila, pero i’m sure na nabusog talaga ako/kami sa handaang iyon. Hehe.

Karaoke sumunod. 79! Potek! Ang Bano ko. Haha. Oh well. Ganyan talaga siguro pag tumatanda.

Natapos ang party ng mga 6:30. Hehe. Masaya. Sobra. Masayang Masaya…

x_X

Dahil dito ay hindi ako nakapanood nung unang showing ng AI. Therefore, kailangan ko nang umalis sa inuupuan kong ito in less than 3 minutes. Go Go Go!

x_X

Malaki ang posibilidad na ibili ako ni Dad ng laptop for college. Yeah! Sana nga. In desperate need…

x_x

Makakabuo na rin ako at last ng isang Mayong sumisimba araw-araw. Yeahba!

X_x

Mayroon pala yung tita kong DVD ng F.R.I.E.N.D.S., yung complete season! Yeahba! May dalawang linggo pa ako para tapusin to. Go go go! I can do this. I must! Haha. Pinahiram na niya rin ako ng DVD ng 300. Oo. Hindi ko pa siya napapanood. Alam ko. Pathetic. Haha. Oh well…





Bagong Skin

21 05 2007

Napagtripan kong gumawa ng bagong skin. Naisip ko kasi na bago man lang magpasukan eh mapaltan ko na yung skin ko. Nararamdam ko kasing hindi na ako makakagawa ng bagong skin in about 2 or 3 months. Haha. Pero hindi pa naman sure yun. Pwedeng in one week, makagawa ako ulit ng bagong skin. O kaya naman, sa sem break na ulit. Haha.

F.R.I.E.N.D.S. Naadik ako sa series lately, so ayan, haha, inspired by friends yung skin. x_X

Yung mga pictures sa baba, mga wallet-size pictures ko yan na nakalagay sa wallet ko. Saan pa nga ba diba? Kaya ng tinawag na wallet-size pictures eh. Pero hindi lahat ng wallet-size pictures na nakuha ko sa mundo ay nakalagay diyan. I tried pero magmumukhang akward and weird yung skin. Siguro pag tinamaan ulit ako ng sipag, baka dagdagan ko. Haha. x_X.

Two weeks na lang at magpapasukan na. For the previous posts, lagi ko na lang sinasabi na malapit na ang pasukan. Ngayon, sinabi ko na naman ulit. Haha. Bangag.

Ayan, nakaluto na ng popcorn. Yeah! Kain na! Woohoo!





shocking news

18 05 2007

BAKIT NATANGGAL SI MELINDA DOOLITTLE?

Nagulat talaga ako ng sabihin ni Ryan na “its the end of the line for you Melinda”. Gusto kong kumanta si Blake, pero ineexpect ko talagang manalo si Melinda kasi magaling naman talaga siya at lagi siyang pinupuri ng mga judges. Agree rin ako dun sa sinabi ni Simon na “consistent” yung performance ni Melinda for this season, kahit na nung time na natanggal si Gina lang akong nagsimulang manood ng AI sa buong buhay ko. Haha. Haaaay…

Oh well, America naman yung bumoto eh. Haha. Bahala sila. Marami rin naman atang nashock sa nangyari. Hindi lang naman siguro ako. Haha.

x_X

Ang daming activities sa May 19! Hindi ko mapagsabay-sabay. Kung pwede ko lang sana hatiin yung katawan ko, gagawin ko. Ayun ay kung magsusurvive yung bawat part na hati hati na. Haha. Ang labo…

x_X

Kakapanood ko lang ng ‘The Holiday’ ni Cameron Diaz, Jude Law, Jack Black, at Kate Winslet. It’s a nice movie. Nakakaaliw. Nagexchange yung dalawang babae ng bahay kahit hindi sila magkakilala. Taga L.A. si Cameron at taga London naman si Kate. Nice! haha. 6000 miles across (at least yun yung nakalagay sa likod ng DVD). Panoorin niyo siya. Maganda. Haha. Kaya lang uamaabot ata ng more than 2 hours. Ewan.

x_X

Malapit na ang pasukan. Meron na akong ID ng UP! Yeah! Salamat Jane sa pagsama. Haha. Dahil sa iyo ay hindi naging boring ang pagkuha ko ng ID sa UP. Haha. Ang labo…





mother’s day

15 05 2007

Haha. Is it too late for a mother’s day post?

Sa totoo lang, dapat nugn isang araw pa itong post na ito. Kaya lang, dahil sa mga external forces na umaapekto ng aking buhay, gaya ng katamaran at katakawan, hindi ko natype yung post. Haha. Honestly, nakailang “tries” din ako sa pagpopost ng bagong entry for the past week. Kaya lang, pagdating ko dun sa mismong “create” dito sa blogger, nawawalan ako ng gana. Hindi ko alam kung bakit. Maybe because alam kong malapit ng matapos ang summer, taking with it a lot of free times during the day and bringing forth a lot of schoolwork and all that crap. Oh well. Let’s face it, SUMMER IS ENDING..

x_X

Mother’s day passed by about two days ago. Kumain kami sa labas, sa ATC (Alabang Town Center) at kumain kami sa North Park. Pagkatapos, nagshopping mag-isa si Mom habang kami ay nanonood ng Spiderman3. Hindi sa ayaw namin samahan si Mom magshopping. Mas nakakapamili kasi si Mommy pag mag-isa siyang tumitingin. Ang galing no? Oh well.

Spiderman3. No Comment. Mahaba yung movie. nagstart ng 11:30 at natapos ng 2:00. Ok lang siya. But it’s not really a GREAT movie para sa kin. Nagtataka tuloy ako kung bakit puro na lang Spiderman3 yung pinapalabas. Wala na bang ibang mga movies na makuha yung mga sinehan? Gaya na lang dun sa Shangri-La Mall sa EDSA, nung huli kong daan dun, which was last week (Wednesday ata), Spiderman3 yung pinapalabas sa limang sinehan. Wala lang. Ganun ba talaga siya kaganda?

x_X

Election kahapon. As usual, naandyan na naman yung mga “pagbili ng mga boto”, mga “pandaraya”, at kung ano ano pang mga kalokohan ng mga opisyal. Sa totoo lang, nawawalan na talaga ako ng gana sa gobyerno ng Pilipinas. Hindi lalampas ang isang linggo na wala kang mababasa sa dyaryo tungkol sa “corruption” ng mga government officials dito sa ating bansa. Wala lang. Hindi rin ako makapamili ng matinong mga iboboto. Buti na lang hindi pa ako boboto sa taong ito.

Basta yung mga iaannounce mamaya sa TV na mananalo sa eleksyon, SIGURADUHIN NIYO LANG NA MAGAGAWA NIYO ANG INYONG MGA TUNGKULIN.