the one with jayvee’s birthday

25 08 2007

Kaarawan ni Jayvee noong Agosto 23, 2007.

“Nag-away” kami ni best friend ng araw na to.

Hanggang ngayon, hindi pa rin kami naguusap.

Happy Birthday Jayvee!!!

Ipopost ko na lang sa ibang araw kung ano ang rekasyon ko dito. Pero gusto ko sanang magpasalamat kay NAVE, CARLA, ERIKA, ROMAR, at JAYVEE. Salamat.

Maraming maraming Salamat…





the one about the tree planting

21 08 2007

Linggo ng Kasaysayan ngayong linggo.

redundant…

Inaabangan ko tong linggong to kasi sabi sa kin ng anak ko, wala daw klase ang mga Kas. Yun yung sabi niya noon, kasi yung Kas1 daw nila walang klase ngayong linggo. Ewanko lang kung matutuloy yung planong yun kahit na ilang araw na rin ang lumipas na walang pasok. Haha. Buti na lang mabait si Mam Wani kasi wala kaming “klase” sa linggong ito, maliban na lang kanina, kasi nagcheck siya ng attendance at nagkaroon ng “opening event” para sa Kasaysayan Week.

Pagtatanim ng puno yun nangyari kanina. Nakakaaliw kasi may hinanda pang “program” para sa isang tree-palnting event. May intermission number pa na sayaw – sayaw ng isang babaylan. Meron pang kasamang background music galing sa (nakalimutan ko yung pangalan nung grupo, basta yung tumutugtog ng ethnic instruments sa UpDil. yun).

Nakakaaliw.

Kinakabahan ako para bukas dahil kung tutuusin, TATLO ang midterm exams ko…

KAS1 – takehome midterms pero due siya bukas at hanggang 5pm lang tatangap si Mam
MATH17 – sabi nila bukas na raw ang midterms, 1-3pm
CHEM16 – eto siguadong bukas na. 4-6pm

Haha.

Batiin niyo pala si jayvee ng happy birthday sa 23!!!

Haha…





the one about the vicious cycle

19 08 2007

IGNORANCE often leads to MISUNDERSTANDING

MISUNDERSTANDING often leads to DISAGREEMENT

DISAGREEMENT often leads to SEPARATION

SEPARATION often leads to REALIZATION

REALIZATION often leads to RECONNECTION

RECONNECTION often leads to APPRECIATION

APPRECIATION often leads to SATISFACTION

SATISFACTION often leads to IGNORANCE





the one with the shift

17 08 2007

Kadalasan sa isang linggo, ganito ang distribution ng mga araw…
5 araw – may pasok.
2 araw – walang pasok.

Dahil kay bagyong Egay at ang napakagaling na hanging habagat, ganito ang sitwasyon…
5 araw – walang pasok.
2 araw – may pasok.

Ang saya!

Haha. Lunes at Martes lamang yung TALAGANG may pasok – yung may klase mismo. Magulo nung Miyerkules. Sinabi sa Teleradyo (wow, nanonood ng balita!) ng bandang 9:30 ng umaga na suspendido daw ang klase sa lahat ng antas sa buong metro manila. Akala namin wala nang mahabang pagsusulit sa math17 at sa chem16.

Tinext ko ang aking guro sa chem16(lab) at tinext niya na sa ika-22 ng agosto na raw gaganapin ang pangalawang mahabang pagsusulit sa asignaturang chem16. Ganun pa rin daw ang room assignments at ang oras ng pagkuha ng pagsusulit.

Dapat hindi na kami (ako, warner, justin. may sports climbing kasi si jayvee kaya nasa UP na siya) pupunta ng UP, ngunit biglang nagtext yung kaibigan ko sa Kas2 na tuloy daw ang pagsusulit sa math17. 11:00 na nung nalaman namin. Dali-dali kami para makakain pa kami bago umalis. 11:40 kami umalis. Kumain kami sa mcdo hanggang 12:00 (oo, minadali namin ang pagkain). Nakarating naman kami ng UP ng ala-una, pero habang nageexam, sinabi na hindi raw tuloy ang pagsusulit.

Magaling magaling magaling. Sayang naman yung pinag-aralan namin. Sayang naman yung pamasahe. Sayang yung MRT card. Sayang yung energy. Sayang yung oras. Sayang yung PAGMAMADALI NG 3 LARGE FRIES!!!

Huwebes walang klase. duh.

Biyernes wala ring klase.

Sa Lunes wala na namang klase.

Ang saya!

Pero kung tutuusin, nakakabagot na. Parang wala ata akong magawa. x_X. Umuulan kasi eh.

Kayo? Anong ginagawa niyo?





the one about love

12 08 2007

BEWARE! EMO POST…

How do you know when you are in love?

How sure are you that it’s not infatuation?

What’s the difference between a friend and a lover?

How do you know that that person is the right one for you?

Sabi nila love is blind.
Sabi nila love is crazy.
Sabi ko?
EWAN…

Nagtataka ako sa mga taong may boyfriend/girlfriend. Hehe. Anong meron? Bakit? Sigurado ba kayo na love yung nararamdan niyo sa isa’t isa? Baka naman lust lang yan. O kaya naman pag-atake ng raging hormones? O baka naman for security purposes lang yan, para masabi mo na nagkaroon ka na ng bf/gf? O kaya naman para may magawa ka sa buhay mo. Haha. Ewan.

Wah.

Pero seryoso, bakit ganun?

Sabi nila madaming klase ng love. Pero paano mo malalaman kung anong love ang nararamdaman mo para sa isang tao?

Sabi ni Jason, love sucks. Bakit? Hindi ba love makes the world go round?

Haha.

Andami kong tanong. Haha.

Eto siguro ang nagagawa ng pagmumuni ng aking utak tuwing nagbiyabiyahe. Haha. Therefore, kelangan nang maibmento ang teleporter sa mundo! Haha. Para mabawasan ang travel time. Haha.

Malapit na ang August 15.
1-3pm, MATH17 MIDTERMS
4-6pm, 2nd CHEM16 LT

Woohoo! Kamon!





the one with the 2-day vacation

9 08 2007

For the past two days, walang klase!

Weeee…

For the past two days, hindi rin halos nakapagpahinga yung TV. Haha. Therefore, kahit na andaming free time, halos wala ring halos naachieve. Yeah!

Dumaan ang wednesday. Halos lahat kami nagattempt umalis ng condo at pumunta ng UP.
…Maagang umalis si Jayvee dahil P.E. niya nung wed na sports climbing. Pasok ang mrt card. Tapos binigla siyang tinext ni loujane na wala daw silang P.E. Haha.
…Sumunod umalis si Warner, mga 10:30 ata. Siya lang ang succesful na nakapunta ng UP. Ang galing! Applause!
…Si Justin naman. Nakalampas naman siya ng MRT-ORTIGAS, pero hanggang MRT-QUEZON AVE lang ang inabot niya. Pagkadating niya kasi dun, wala na daw silang practice kaya boom! Haha. What a nice way to spend one hour of your life.
…Ako. Hindi nga ako umabot ng MRT eh. Natext na kasi agad ako na walang chemlong test. Woohoo! Kaya ayun, nag megamall na lang ako. Bumili ng gamit, gonuts-donuts, at polo-shirt. Weeee.

Ang galing namin! Woohoo! Ginawa na lang namin ay tinapos yung death note. Walang kwenta yung last episode! Mas exciting yung second to the last. Haha.

Wednesday ng gabi rin lang namin nalaman na walang pasok kinabukasan! Yeah!

Wala nang attempts na umalis kami except si Justin kasi may practice siya ng 1:30, kahit na 1:30 siya umalis ng condo. Woohoo! Nagswimming na lang kaming tatlong natira. Nagcards. Natulog. Haha. So UNPRODUCTIVE!

Pero ngayon, may pasok na naman. Grrrrr. Kaya nga nasa SC eh. Nagnenet. Pero ang weird kasi wala akong first class dahil wala si Mam. Haha. Sana walang pasok ngayon!

Mga natutunang lesson
…Dahil walang pasok nung wednesday, ang chem long test ay MOST LIKELY mamomove sa 15, which is kasabay ng MATH17 MIDTERMS! Woohoo! Good Luck naman sa kin
…Dahil walang pasok nung thursday, may 3 long test at isang quiz si justin sa Monday. Haha.
…Dahil walang pasok nung Wed at Thurs, nagsisi akong hindi dinala yung PS2!
…Dahil wala si Mam Wani ngayon, DAPAT mamove ang Kas2 Midterms

Labo.

Haha.

Swimming na! X_x.