new year

31 12 2006

unang una sa lahat…

HAPPY NEW YEAR!!!

haha. grabeh! rinig yung fireworks nyo hanggang dito! haha. joke lang. baka nga by the time you read this entry, 2007 na. haha.

sa mga fans ng aking blog (as if meron), i’m really sorry kung hindi ako masyadong nakapag-update. dami kasing mga patalong requirements. eh. hehe. oh well… hehe.

maybe some other time ko na lang ipopost yung baguio lakwa namin ng buong angkan. haha. yun ay kung maalala ko pa at sipagin kong itype dito sa blog na to. yun ay kung may oras pa kong matitira. haha…

anyways ayun nga…

LET’S WELCOME THE YEAR 2007! SENIORS, MAG-GRAGRADUATE NA TAYO…





happy CHRISTmas!

24 12 2006

..

.

happy

CHRISTmas

sa inyong lahat.

ahehehehe. Happy CHRISTmas sa inyong lahat. mawawala ako ng ilang araw (4 at the most) haha. oh well. ganyan talaga ang buhay. anyways, for those na gusto kong icontact, text nyo long ako. haha…

x_X

let us not forget the true meaning of CHRISTmas…





christmas wish list

22 12 2006

andami ng taong nagsipag-gawaan na kani-kanilang mga christmas wish list. ako? ngayon pa lang. haha. kung kailan malapit na mapasko. ahehehe. ang galing galing ko talaga. pati christmas wish list, kina-CRAM! yeah! go me…

oh well…

mga selfish wishes:
1) isang napakagandang laptop na may napakalikng memory. haha. para dun ko malagay yung mga files and music and other stuff. para naman may magamit pa kong computer kahit wala ako sa bahay. dapat nga pala may WiFi! para masaya!
2) isang iPod. doesn’t matter kung nano or shuffle or whatsoever. actually, kahit mp3 player lang na at least 2 GB. haha. para naman may malagay na kong earphones sa tenga ko. haha. at para na rin pag nagtratravel ng malayo. para hindi mabore. haha.
3) chocolates. haha. kisses. hersheys. cadburry. snickers. chocnut. chocomani. kahit ano! basta chocolate. haha! x_X
4) PS3. haha. meron na ba nun sa Pilipinas? oh well
5) Dynasty Warriors 5! haha. alam to ni JC! maganda tong laro, lalo na if you’re into war games and chinese history. centers on the theme “the romance of the three kingdoms”. haha. waaah!

mga unselfish wishes:
1) makaraos yung mga taong nasalanta nung mga dumaang bagyo. kahit papaano, marami-rami ring mga malalakas na bagyo ang dumaan dito sa Pilipinas ngayong taon na ito. marami rin natamaan (gaya ng puno namin dyan sa labas)…
2) magkaroon ng decenteng buhay yung mga street children, lalo na yung mga three years old lang or younger. wala lang. tuwing nakakakita ako ng mga batang katulad nila, naaawa ako and i feel so very lucky. sana maging masaya rin sila katulad ko. haha… oh well
3) hindi na maging corrupt ang mga government officials. kung sa bagay, meron naman talagang mga hindi. pero dun sa mga talagang corrupt, sana magbago na sila.
4) maging mayaman and bawat Pilipino!
5) world PEACE!
6) sana, ngayong Pasko, lahat ng tao, icenter yung attention nila kay JC! (hindi si JC Edualino, kung hindi si JESUS CHRIST!) ahehe. since birthday naman niya, dapat all eyes on him. para masaya diba?!?

siguro yan lang muna yung mawiwish ko at this moment in time…

haha. advance merry CHRISTmas sa inyong lahat! x_X





palancalicious

14 12 2006

wah!

nanaginip na naman ako! haha. pero hindi ko na ikwekwento. ahehehe. medyo hindi malinaw yung pagkaalala ko. ang natatandaan ko na lang ay isang math treasure hunt na si sir espinas ang host at ang clue ay nasa STR poster sa tapat ng Chem Unit. huh?!? kalabuan…

oh well. nakita ko kanin stats ni Cecile. nakalagay “palancalicious”. at that instant, 2 bagay ang pumasok sa isip ko…

natural, pag sinabing palancalicious, may kinalaman sa palanca! wah! wala pa kong nagagawa ni isang palanca! wah! yeah! good luck naman. kung sa bagay, medyo mahaba-haba pa naman ang bakasyon. pero syempre, hindi lang naman palanca ang pro-problemahin ko sa mundo. syempre andyan ang
1) MATH! yes. may play ang mga section under kay Ma’am Dinah. play na may kinalaman sa Math! manood nga pala kayo! tentative schedule is January 9, 2007, 4:10 onwards, 3rd floor audi… speaking of which, props. costumes. permit! wah! go group
2) PINOY! comic book at book review. wala pa nga ko nung libro eh, paano ako gagawa ng book report? asan na ang aking mga groupmates?!?
3) ENGLISH! wah! Les Miserables! wala pa akong nababasa dito. wow! kamon naman!
4) COM SCI! ewan. yung website na never na namin naayos for the third quarter. oh no!
andami palang sasalubong sa kin sa jan 3! wtf! crap!!!

anyways, ok lang yan. go me! yeah!

yung isa naman bagay na naalala ko ay yung kanta ni Fergie, yung Fergalicious! haha. wala lang. ang otistic kasi nung kanta eh. ahahahaha. otistic din yung MTV. oh well…

aun lang. wah!