the one who has an extended vacation

11 06 2008
I said this before, and I’ll say it again. The season 4 finale of Grey’s Anatomy was simply fantastic. Haha. It’s been days since I watched that last episode and still, I can’t get it out of my head. Perhaps I am beginning to fall in love with Meredith Grey. Haha. Just kidding. But really, the last episode was great. You should watch it. Haha.

So everyone is having ther first day of classes this week. Haha. I have to tell you, a lot of people are not happy with their schedules this semester. Haha. But I guess they’re just going to get used to it, and in time, maybe they’ll appreciate their schedule after all. Haha.

I am getting bored because if this extended vacation. Really, I am. I would rather be doing homeworks and lap reports and everything else that needs to be done. Hey, at least I am going to be productive in that way.

Why I have an extended vacation? Simple. Because I am still not enrolled yet. Haha. No. I’m not enrolling in Diliman. I’ve transferred to UPLB. Haha.

Perhaps you are surprised. Perhaps you are not. But whether you are or not, it won’t do anything. It’s done. I’m already accepted, though I am still not “enrolled” yet. Haha. Since I am a transferee student, my form 5a will be released this coming Friday since first day of classes here in UPLB is next Monday.

I am hoping though that I will be able to get all my major subjects so that I won’t be delayed. The subjects that I took in Diliman were all credited (yeah!), and it would be a damn waste if I get delayed because I never got a slot. Haha. Oh well. Here’s for hoping.

Extended vacation really bores me. Crap.

Oh well. At least I still get to spend time here at home.

I’m tired of running, but that doesn’t mean I’ll stop.





bagong background

31 03 2007

hahaha…

mapapansin nyo na in one way or another, nagbago yung blog ko… hahahaha…

yes, at last, nagkaroon ako ng time para baguhin kahit konti yung layout (well at least yung background) ng aking blog. haha. kaninang 6:30 ako nagsimula, and natapos ako ngayon lang, mga 8. hehe. wala lang…

hindi ako pro pagdating sa mga layout at kung ano-ano pa. haha. pasensiyahan na lang tayo. sorry lang. hindi kasi ako nakikinig sa CS4 eh…

kung mapapansin nyo, punong puno ng pics. hehe. sorry lang kung wala kayo dyan. ibig sabihin lang nun, hindi ko na kayo naabutan nung grad ball para makuhanan ng litrato. hehe. oh well…

x_X

ummmm. bakit ako gumawa ng bagong background?

ewanko. hindi ko rin alam. siguro kasi, malapit na ako maclear. kaya ayan, medyo nafefeel ko na na na GRADUATE NGA AKO…

haha… oh well…

x_X

masaya pa lang gumawa ng background at ng layout mo. hehe. wala lang. kaya lang, nakakapagod siya in some way, puro copy-paste-edit-again-move-etc.-etc. pagdating sa photoshop. tapos upload lagi ng upload ng mga pics and stuff para lang maayos yung layout. haha. siguro nakaapat ako na upload ng background para tumino naman siya kahit papaano…

hehe…

x_X

weeeeeeeeeee…

x_X

bangag ako ngayon!





forced buttspell

28 05 2006
friday ng hapon, ng pumunta kami sa camp – ako, oshean, tuesday at si ihsa. pagpasok ko sa romulo hall (kung saan magaganap ang camp) andami kaagad na tao. as in. labas at loob halos punong puno. tapos andaming mga taong “kilala” ko na. kumbaga yung mga dati kong kaklase at mga friends, andun! galing nga eh. tapos may live band pa na tumutugtog na iba’t ibang praise songs. register, bayad ng 200, at punta sa kwarto. yung kwarto ay “retreat style”. maraming double deck. haha. pero mas masikip nga lang dito. pero ok pa rin siya.
so ayun, ikot ikot muna. tapos tinawag kami para magstart. naggame muna kami. zip zap zoom! sa mga hindi nakakaalam, sori kayo. tanungin nyo na lang ako kung paano siya nilalaro. basta masaya siya. kain ng dinner. talk 1: God’s love and his plan for us. ang speaker ay si ate mariel/olyn. haha. kamukhang kamukha niya si olyn!!! as in super. para silang twins. haha. pagkatapos ng talk, nagkaroon ng discussion groups. share share ng mga kahit anong experiences na related sa talk. may mga facilitators na mamahala sa isang specific group na sila sila lang ang magshashare. saya. kami nga yung kahulihulihang natapos kasi may mga nakisingit pang ibang facilitator na gustong magshare. haha. tapos nun, may sinabi lang ng konti tapos tulog na. parang dorm kung tutuusin. may mga gusto ng matulog, may gusto pang magkwentuhan. haha. mga 1:30 na ako nakatulog. pagising ko ng 4:30 , patulog pa lang yung iba. haha.
ligo. bihis. kwentuhan. nakalimutan ko palang sabihin, sa mt. makiling ginawa yung camp. haha, tapos lumabas kami ng around 6 para makita si tuesday at si ihsa since magkahiwalay ang girls at boys. pinatago sa kin ni tuesday yung kanyang iPod. dumating yung breakfast around 7am. umalis muna ako kasi magpapaturok sa doctor. tsaka ko na lang nalaman na natangay ko pala yung iPod niya. haha. sori. pagbalik ko, maglalaro na sila ng game. bahay, baboy, bagyo!!! yeah. siguro naman alam niyo to? saya nga eh. halos lahat nagkakagulo. halos lahat din nangongontrata. ahem ahem. haha. sumunod yung talk 2: who is jesus christ to me. si ate mimay yun naging speaker. tapos discussion groups ulit. nagkaroon ng break. tapos talk 3: repentance, faith, healing, forgiveness. special tong talk na to kasi dito talaga ako tinamaan. as in. halos lahat ng sinabi ni kuya benjo (speaker), tumutugma. galing. medyo mahaba haba yung talk na to kasi nagsunog pa kami ng papel at nagpin ng mansanas. haha. wala ng discussion group after since halos mag aalas-dos na nang matapos yung talk 3. kain. tapos punta sa kwarto para-magpahinga. kwentuhan dito at diyan. then inaaproach ako ung facilitator ko. tinangay nya ko sa labas at nag 2 on 1 talk kami (2 facilitators versus 1 participant). dito nagshare share kami ng mga experiences and problems. sa totoo lang, magaling silang advisers. astig sila! ang galing galing nila magbigay ng advice. haha. balik sa kwarto. pahinga. kwentuhan. tapos kain. haha.
after nun, naggame kami. kakaibang game to! amoeba amoeba yung pangalan. imagine, amoeba nagiging fish, tapos naging manok, tapos naging pusa, tapos naging monkey, tapos naging tao!!! ang galing! basta ang point nung game, maglalaro kayo ng napakagandang game na bato-bato-pix. kung sinong manalo, mapropromote. kung sino matalo, balik sa amoeba. tapos paunahan maging tao. naging tao ako! yeah! haha. nasa first ten pa. kaya lang, may consequence pala. lahat ng naging tao, ibubutt spell anf YFC-LB! kasama yung exclamation point ha. ang saya saya. oh well. ok lang yan. ganyan talaga ang buhay.
pagkatapos nung game, talk 4. nakalimutan ko na yung title. pero astig yung topic as in to the max. tapos yung speaker, ginagawa kaming pre-school children. halimbawa nagtanong siya tungkol sa isang bagay, dapat sasabihin “ano po yun?” wiht matching actions. haha. saya. tapos nagkaroon ng some event kung saan may magaganap. haha. secret na lang yun. tapos nag miniconcert. ibatibang praise songs yung kinanta namin, including my all-time favorite – ONE WAY by hillsong united. haha. grabe. as in nagtatalon yung mga tao and all. sigawan at kantahan. haha. amazing. tapos talent night! kailangan may mapresent kami with the use of our talents. haha. nauna yung girls, silang lahat, sabay sabay kumanta ng “wag mo nang itanong sa akin”. haha. para bang “bahay kubo” ng sapphire 07. ang pagkakaiba lang, sila may sounds ng iPod ni tuesday. yung boys, nadivide into two groups. kami kumanta ng narda, yung isa, nagplay. ang nakakatawa, habang nagplay sila, NAGBROWNOUT!!! haha. and to think na may naliligo pa. pero the show must go on. kumuha yung mga iba ng kandila at scinatter sa floor. nagtuloy yung play nila. haha. nakakatuwa nga eh. mamatay ka sa kakatawa. pagkatapos, pinatulog na kami since kailangan gising na kami ng 5:45 para makapaghanda na sumimba. and to think na 2:30 ng umaga na yun. haha.
gising ng 5:30. ligo. bihis. kwentuhan na naman. haha. tapos labas at bumili ng tubig. naghintay kami tapos dumating yung mga sasakyan. dadalhin daw kami sa simbahan. sakay mun yung mga girls. since dalwang sasakyan lang, naiwan yung mga iba. second batch kami kaya nakarating kami sa simbahan right in time.
tapos. balik kami dun sa camp. breakfast ng 9:00. tapos nagturo ng 2 songs. then talk 5. dati kong batchmate yung nagtalk. haha. nakalimutan ko na kung tungkol saan. something to do with fellowship, prayer, service, scripture. basta yun. haha. tapos nag moment of silence and all. dumating yung parents. exchange kami ng letter. haha. saya. astig!




Ulan

12 05 2006

yeah c’mon! umuulan na dito. hahaha. i’m so happy. yeah!!!

hay. sa wakas, tapos na rin ang mga maiinit na panahon. hindi na kailangan magelectric fan sa sobrang lamig! yeah. haha. hindi na rin kailangan maligo ng 4 times a day kungdi 3 times na lang. wahahahaha.

yak. otistik. nababangag na naman. haha. wala lang. eh kasi ba naman, ang init init dito sa min tuwing summer. buti nga dumating na yung ulan kasi kung hindi, ewan. haha. baka mamatay na ko. tapos, malulungkot kayo. hahaha. joke. peace. mafeeling.

hahaha.

since love na love ko ang ulan, gumawa ako ng aking ORIGINAL poem para sa kanya. haha. bangag.

“Rain”
rain rain go away
come again another day
little children want to play
haha. nababangag ako. wah. ang saya. nga pala, hindi ito yung pinass ko sa English 3 noh. baka masapak ako ni Sir Munoz pag pinasa ko yan. haha. ay mali, haiku pala yung pinapapasa niya. haha.
sori kung bangag, kakaligo ko lang sa ulan eh. haha.
p.s. ipagpaumanhin ninyo ang kabaliwan ng aking pagiisip pagka’t ito’y sadyang napatakan lamang ng tubig galing sa mga ulap.




daily routine. xp.

9 05 2006

haha, alam nyo ba kung ano talaga dapat tong post na to? syempre hindi. duh. haha. bleh.

ever since natapos ang aming review, ito na ang aking naging daily routine…
5:30 – gising (huh? bakit ang aga?)
6:00 – simba (oh, ok)
6:40 – kain
7:00 – swimming/computer (depende sa mood ko)
7:45 – ligo
8:00 – computer
9:00 – aral ng konti
10:00 – nood
11:30 – kain
12:00 – tulog (batugan!!!)
2:00 – merienda
2:30 – computer
4:30 – badminton/tv(depende sa mood ko. haha)
5:30 – nood
6:30 – kain
7:00 – computer
7:30 – POKEMON!!! (bata pa naman ako diba? haha.)
8:00 – computer/PBB (depende sa mood ko as usual)
9:00 – TV
10:00 – aral? ewan. kahit ano.
10:30 – tulog (haay, batugan ka talaga!!!)

wow, nagsisimba ka pala everyday? haha. oo naman. syempre. haha. sabi kasi ni mommy, since wala naman daw akong gagawin this may, magsimba na lang daw ako everyday kasama ng kapatid ko. haha. so everyday, kaming magpipinsan ay pupunta sa simbahan at magsisimba (DUH.) haha. kami nga lang ata yung mga bata dun eh (yes naman. bata pa naman ako diba? 14?). o basta ang point, kami lang yung medyo below 20. haha. ang galing. haha.

nagaaral ka? what the? haha. sometimes. kailangan kasi for the UPCAT and other tests eh. haha. oh well. haha.

kung titignan niyo siya, ang redundant diba? haha. ganyan talaga ang summer ko. redundant. pero the thing is, yung pagiging redundant niya ang nagustuhan ko. though minsan boring. haha.





bagong blog

23 04 2006

haha, since wala akong magawa this summer, i have decided na gumawa ng bagong blog!!!

haha, eh kasi ba naman, yung isa kong blog eh medyo nagloloko na for some unknown reason… kung baga, parang may ewan na hindi mo maintindihan… huh???

haha, oh well, basta ang point, madaming mga kababalaghan ang nangyayari dun sa blog na yun, kaya i’ve decided na gumawa ng bago…

haha…xpsige, enjoy nyo to!!