30mar07…
isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan, hindi dahil isa na siya sa mga last days ko sa Pisay, kung hindi dahil sa mga nangyari sa kin ngayong araw na to…
6:00 ako umalis ng bahay. hehe. nakatulog lang ako sa biyahe. magmemeet dapat kami ni jayvee, justin, at romar sa mcdo q. ave para i-check yung condo sa may katipunan. basta. kasi supposedly, dapat dun kami titira for our college life. haha. so we went there to check it out. berkley plaza yung pangalan nung place. can’t miss it. the biggest and tallest building along katipunan. hehe…
8:00 kami nakarating dun, and, haha, no comment na lang sa condo. we went to UP para icheck yung kalayaan. haha. para macompare namin. lakad kami papuntang sakayan. nagjeep papuntang UP…
8:20 kami nakarating ng kalayaan. ahem ahem. haha. gusto sana namin makita yung mga rooms. kaya lang, hindi pinayagan kasi meron pang mga nakacheck sa loob. haha. so ayun… tsaka kailangan pa rin namin nung mga papers kaya x_X.
then pumunta kaming UP shopping center para maghanap ng stall na pwedeng magpa-rush book bind. haha. yung mga unang pinuntahan namin, wala. pero may nagsabi na isa dun sa mga pinuntahan namin, try daw namin yung stall 23. haha. yeah! nung una medyo umangal sila, pero napapayag rin namin sila in som weird way. hehe. oh well. siguro napa-oo sila dahil magbabayad kami ng extra. haha. oh well. tapos ayun. sabi nung babae, makukuha daw namin ng 2′o clock. hehe. pero bago yun, kailangan pa naming ipalaser photocopy kasi hindi namin na print yung tatlong kopya. hehe. so go go go. photocopy, then bookbind. photocopy costs about 66 pesos… tapos bookbind costs about 310… yeah! rush naman kaya ok lang… tapos e-copy pa pala. so after nun, punta kami sa may internet shop dun sa shopping center. bumili kami ng rewritable cd, kinuha yung files sa email, at nagpaburn. 85 pesos yung inabot nun. hehe. dami rin namin nakita sa shopping center – si jem, si eduard, and others. haha. nagpapabookbind din siguro. bumili rin kami ng isa pang 125 ml na erlenmeyer flask para sa str lt. haha. 150 php din yun.
mga 9:20, pumunta kaming UPHS para magtanong kung pwede ngang sa private physician na kami magpa-PE. yeah. we found out na pwede nga. kaya ayun. nakita nga pala namin si Joey Cuayo sa UPHS. hehe.
mga 9:30, umalis na kami ng UP at pumunta ng Pisay. yeah! hehe. go clearance…
mga 10:00 kami nakarating at nakasalubong namin ang napakaraming taong kumukuha ng kanilang prom pic… haha. oh well. nagpasign kay sir jun. then kay mam gene. then kinausap si mam caintic. then nagbayad ng alumni fee na 200 php. hehe. yeah!
mga 11:00 kami natapos. umalis ako, si romar, at si jayvee para kumain sa SM North. sa food court lang. hehe. nagtaxi pa kami na inabot ng 45 php. haha. nagwitdraw muna ako kasi wala na akong pera. haha. x_X
mga 1:00, pumunta kaming cyberzone para maginternet at gumawa ng thank you letter for str clearance. haha. yeah… kuha yung files. send. print!!!
mga 1:30, umalis na kami papuntang UP. si romar, sa pisay na lang bumaba. kami ni jayvee yung tumuloy. hehe. since kami naman yung magkagrupo! hehe. x_X. habang nasa jeep kami, may nagwawala na bata na sumisigaw ng ‘mommy!’. hehe. wala lang. ang kwento kasi, gumala yung maglola. tapos pagtapak ng sm, nagwawala na. hanggang jeep nagwawala pa rin. hanggang bumaba pa nga eh.
mga 2:10 kami nakarating ng UP. punta sa pinagbookbindan. yes! tapos na! deretso kaming alis at mga 2:20, nakasakay na kami ng jeep. 2:45 kami nakatapak ng pisay! by 3:00… CLEARED NA KAMI SA STR! yeah!!!
ang saya saya!!!
so reg na lang. at least yun yung akala namin. pagdating namin ng reg, meron pa pala kaming kailngang ipasyn na ‘tatlong maria’ – si mam cruz, si atty. perez, at si mam yazon. haaaay. oh well. nawala yung hopes namin ni jayvee na maclear nung araw na yun. pero at least, may sense of fulfillment kasi napasynan na namin yung str. iniwan namin sa secretary ni atty. perez yung clearance namin, tapos pinakiusapan na pasyanan na rin kay mam cruz since kabilang office lang naman. hehe. yeah…
mga 4:10, umalis na kami ni pabs at umuwi ng laguna…
x_X
Recent Comments